This past few days, napansin kong mga walang kwenta mga pino-post ko dito sa blog ko. Kaya ngayon, para nman mas madama’t manamnam mo pa ang hagupit ng istorya kong walang silbe at para wala ka na ring masabi.. heto at dadagdagan ko pa! :)
Mga nangyari saken ngayong araw. (oh diba napaka walang kwenta)
Umaga, kagigising, alas otso iy medya impunto. Binuksan ang TV. Kagagaling lang sa higa ngunit humilata ulit sa sala para manuod ng Atashinchi. Breakfast for today: garlic fried rice, scramble egg with mushed potato, a tuyo, a hotdog, and a tall glass of cowmilk (i mean the REAL cow’s milk). Wow – Ang bastos naman.. kumakain ako tapos nakikita ko si atashinchi ininom yung tubig na pinagtapunan ng kulangotz ng nanay niyang mukang ampalaya. Pinatay ko ang TV nung powerpuff girls na yung palabas. Lumipat ako sa PC, nagbukas ng YM at nag surf hanggang alas onse.
Papasok nako sa school (12.30pm), mukang late nako pero masuwerte parin dahil may jeep kagad na dumaan.. Sa jeep, balak ko sanang mag basa kahit papaano ng lesson namin para mamya.. pero mukang napaka imposible dahil natatanaw ko ng makakasakay ko si Lester sa jeep.. ayun nakasakay ko nga, at ayun (as expected) – kinuwentuhan ako buong 30 minuto sa jeep! (Nakasakay ko rin si ate Roma at Jo – mga kaklase ko [ayos hindi pa pala ko late] ).
First Subject: Speech and oral communication. Lesson for today: Learning the right pronunciation. Binigyan kami ng isang photocopy at irerecite namin yun isa-isa, sunod-sunod (40 words). Pangatlo ako sa unahan, expect ko na na ako yung susunod na tatawagin nang bigla akong nilampasan! WTF? bakit?! ..nakatapos na silang lahat at ako hindi tinawag! – josmio hinuli lang pala ko ni maam – save the best for last daw! (ahahahaha).
Next Subject: Management Database with Internet Access. Pinasagutan samin yung exercises at next meeting we will going to have a quiz about Micro.Access and stuff – hands on.
4.00 na. My next class is 4.30 pa.. we will having a debate about our lesson. The subject is Cooperative Mangement (“duh?”) – there are two views para sa debate: 1. Coop. without the help of the government and 2. Coop. with a little help from the government (more “duh?”).
Sa 30 minuto na break na yun – again gusto ka sanang ireview ang handouts ko, para pag ako yung napili ng mga kaklase kong makipag dibate eh may maisagot naman ako kahit papaano.. ang kaso nakita ko ang ex-classmate ko sa hall way – inaalok ako ng USB! ..Sales talk konti dito, ng mapunta sa kamustahan hanggang sa magchikahan na at nakalipas ang 30 minuto hindi ko man lang nailabas ang handouts ko sa bag.
Syet. mimiscall ko sana si Tom – kaso kinain ata yung bente singko kong load! – Pati ba yun pinagkakait pa – pati load corrupt! ..Anu ba yan! :(
Oras na!!! This is it! Debatihan na. *HAHAHAHA* Syempre kasama ko sa top 5 debaters ng grupo namen! Lol.. ewan ko ba pero umaariba ako ngayong taon! LOL.

nagkakainitan na ang usapan.

buti nalang nasa gitna si sir Jeff!

nagugulat pako may sumisigaw na sa likod ko!

“according to the cooperative code of the philippines…”

si ate maricar nakuha pang mag pose :)

si lalaine nagpapatangkad – ayaw umupo!

“haay..mahihimatay ako sa mga usapan nato,kaloka!” -maricar
Next meeting pa namin malalaman kung sino nanalo. Im sure kami yun..joke :)
6.00 uwi ko.. pagkatapos ng dibate nun ko lang na-realize kung gaano nako ka-gutom! Ngayon ko lang naalala.. hindi pa pala ako nagla-lunch! dimwit! kaya pala nagpaparamdam na saken ang tiyan ko kanina pa. ugh!
Nakauwi ako sa bahay ng 7.. nagpalit ako ng damit at sabay kumain kagad ng dinner. Yehey hindi ako yung nakatoka ngayon sa paghuhugas ng plato kaya heto ako ngayon..nakaupo sa office chair sa harap ng PC at nagttype na :)
…
ang galing.. nakwento ko sau buong nangyari sa buhay ko ngayong araw…di masyado exciting pero iyan talaga ang routine ng buhay ko sa ngayon. Buhay ng isang ordinaryong studyante – boring na, wa pa wenta!
Di bale, i still have 2 hours before tomorrow pa naman… malay mo may mangyari pang kakaiba! :)
Goodnight people! *kisses*
