Friends Forever
No goodbyes and no farewells for you, just a promise that no matter what happens… It will be always be forever. Thanks for the gift of friendship.
A letter from Bambi (Bi) 4 years ago,
01:40-02:01 Pm
21 May 2004Joan,
Masaya ako dahil simula pagkabata ay naging magkaibigan na tayong dalawa.. pero nalulungkot ako kase magkakalayo na tayo.. alam mo, kahit magkaroon tayo ng sari-sariling tropa nung highschool, eh ikaw pa rin ang no.1 bestfriend ko!! Kayo nila Zhel, Nikka, Jhona!!! Syempre iba pa din kayo.. kahit na di tayo masyado gumigimick!! Di naman nabibili yung saya natin pag magkakasama, yung tawana, lokohan, kagaguhan, kaultukan, tapos yung mga wild imaginations natin.. yung mga salitang bading! salitang kanto at pati narin yung kaartehan at kalantungan natin.. Wala cguro kong makikitang Joan, at katulad nyo sa States!! Mamimiss ko lahat ng mga kabangagan natin.. yung titrip!! Kung san-san tayo pumupunta after klases.. Tapos yung latest, yung pagtakas natin nila Ailen at paghahanap ng bar!! Nakakatuwa nga namang isipin.. wag tayong malungkot! Mangyayari ulit yun!! Mamimiss ko din yun nanuod tayo ng Texas Chainsaw.. puta breath taking! I cant believe that such things really exist! Mamimiss ko din yung pag-s-star gazing natin together!! Yung tipong nakahiga pa sa banig.. Siguro ako titingnan ko pa din ang sky dun, iicpin ko nalang nakatingin ka din dun kasama ko, kahit alam natin na magkaiba ang langit natin!! Mamimiss ko din ang pagbi-bike natin sa daan pag hating-gabi.. Yung pagtulog naten sa inyo or sa amin! Yung mga open forums natin.. Mga outings!! Mga tripings!! Panonood ng mga battle of the bands!! Sayang, wala ng ganun.. Sana always happy pa din kayo ha!! At higit sa lahat, mamimiss ko yung palitan natin ng secrets and advices, iyakan sharing… lahat!! Joan, thanks for being my friend.. Lam mo na lahat ng yun!! Ikaw hindi ka nagtatanong sakin.. gusto mo ako na mag-open.. pero nahihiya ako! Madami na din akong di na-iopen.. sorry!! Sana sa sulat, maging open na din tayo! Lagi nyo kong sulatan ha!! Sorry sa mga nagawa kong di maganda sayo! Lam ko minsan may samaan tayo ng loob, good thing is hindi tayo nag aaway!! Friends forever!! Im gonna miss you! I love you bestfriend!!! Mwuah!
What ever tomorrow brings Ill be there
with open arms and open eyes,
Bi
Its been 4 years pero sariwa pa din saken ang lahat.. that day.. the cryings and the hugs before she leave with her ate Ivory. Everything was so sad, everyone was waving and bidding their goodbyes, everyone was crying…
At ngayon, for the 2nd time, aalis na naman ulit siya.. nagbalik na naman saken ang nakaraan. Kakalungkot, pero tanggap na namin nila Nikka.. though andun pa din ang sakit, magiging okay rin kami. Kaya namin to! Kaya ko to!! Tutal kahit umalis siya nun hindi naman nabawasan ang closeness at pagkakaibigan namen at lalo lang ito tumibay (thanks to YM and Friendster), parang andiyan lang siya sa tabi at tinatamad lang lumabas ng bahay.
Bambi, you will always be my bestfriend! kayo nila Nikka and Zhel! Im gonna miss you – sobra!!! Don’t cry, we will see each other again.. Kung nalulungkot ka dyan ”buzz” ka lang saken.. im always be here for you just like the old times.. those days na sisilip ka lang ng biglaan sa bintana ko sa kwarto kung may kailangan ka.. those moments na sisigaw ka lang ng “meow” at lalabas nako kagad.
Ang magkaibigang tunay, kahit saan man mapadpad ang isa ay magkaibigan pa rin sa puso at kaluluwa.
No more goodbyes.. Just see you soon.. mwuah! ♥


15 July, 2008 at 1:19 pm
salamat sa link. nice layout!