Big Brother, May Ipis Sa Kwarto!

Mainit na naman ang mga tagpo dito sa loob ng bahay umagang-umaga, kagigising ko lang at nagtitimpla ng kape..

News Flash: Ang nanay ko pinagtatabuyan na naman ang kuya ko sa labas ng bahay!!!

Hoy dont get me wrong. Mabuting ina ang nanay ko, mind you. - at dahil doon ayoko ng makisawsaw pa sa usapan nila  – Haaay ewan ko ba naman sa ugali ng kuya ko. Mabait naman si kuya eh, tahimik pa, at bukod dun talagang maaasahan pa sa mga gawaing bahay.  Kung ikaw ang babae, alam ko rin namang magugustuhan mo ang kuya ko dahil hindi naman siya panget pero hindi rin naman siya yung tipong pang-Hollywood star. LOL.

Sa totoo lang spoiled nga ako sa kuya ko eh, pag tinatamad akong maghugas ng plato, siya yung sasalo. Pag may ipis akong nakita sa bahay, tatawagin ko siya kahit natutulog na siya at wala kang maririnig na kahit isang angal mula sa kanya. Pag sira ang TV, may napindot sa PC, na-virus ang CP, siya kagad tinatawag ko to the rescue. Tuwing bertday ko binibigyan niya ko ng regalo, pero ako kahit isa wala pakong nabibigay sa kaniya at ang maganda pa dun wala kang maririnig na kahit na anong sumbat sa kanya pag nag aaway kami.

Sa totoo lang, kung titingnan mo, okay na okay naman siya eh – ang kakaiba lang talaga sa kanya – sobra siyang mahiyain. As in to the extend na madaaalaaaaaaaang lang siyang lumabas ng bahay. Hindi nga ata yun marunong mag basketball eh! Andito lang siya sa loob namin nagi-internet, nagpi-playstation, nanunuod ng DVD, nagsa-soundtrip.. Lalabas lang ‘yun pag may okasyon at kaylangan ang buong pamilya, pupunta ng school, maybibilin sa bayan – yung tipong talagang kailangang-kailangan lang niya yung bagay na bibilin at wala na siyang ibang mauutusan at walang-wala na siyang choice kundi ang lumabas ng bahay effect – at syempre once in a trillion chance lang yun mangyari.

Kung ang ibang magulang, kinagagalitan ang kanilang mga anak dahil sa sobrang pala-gala nito, – buong maghapong wala sa bahay at kasama lang ang mga barkada na parang nakatira na sila sa kanto – at kulang nalang ay igapos na pilit ang kanilang mga anak sa haligi ng kanilang bahay – ang mga tagpo dito sa loob ng aming tahanan – araw araw – ay iba. Sa amin, ang kuya ko, kulang nalang ay ipagtabuyan ng mga magulang ko papalabas ng bahay, itago ang cellphone, PC, TV para mapilitang gumala sa labas, at kulang nalang, bayaran nila ang lahat ng mga tao sa kanto para ayain ang kuya kong mag laro ng basketball.

Hindi ko alam kung bakit.. pero mula pa’t sapul ganun na talaga siya. At sa loob ng ilang taon, nasanay nako sa kanya. Tanggap ko na kung anu siya – natural kuya ko un eh! At kahit na ganun pa un, mahal ko un.

Ikaw, paano kung gisingin ka ng iyong kapatid habang ikaw ay kasalukuyang nahihimbing sa pagkakatulog isang gabi ng dahil lang sa isang mumunting ipis sa kwarto? Anu mararamdaman mo? At anu ba talaga ang dapat gawin bilang mas nakakatandang kapatid? Lets just say, mahal lang talaga ko ni big brother. :)

Coffee anyone?

Leave a Reply