My First Post

Whats got into me starting a blog AGAIN?

Ewan ko. All I know is busy ako bcoz of school, alam ko ring tamad ako, hindi ako pala-kwento, meron akong boring na buhay, wala nman akong mga activities na kailangang ishare sa iba, wala rin ako sense mag kwento, hindi ako magaling magsulat at lalong-lalo nmang alam ko na walang magbabasa nito!

Eh langyang yan, bakit nga ba ako nag-sign up para magkaroon ng blog – na nman?!

First, kwento ko lang senyo…. mahigit 5 na ang blog site na nagawa ko bago ito… from blogspot to livejournal to friendster to multiply…lahat ng yan, i do have a blog account at karamihan sa mga nabanggit ko ay chinugi ko na at ibinaon ko na sa limot…and im aware naman na hindi talaga ako pla-update sa mga gantong bagay….pero ngayon, heto na nman ako! naguumpisa na nman akong magsulat ng kung anu-ano! haaaay….

Ganito kasi yun, Lunes (ngayon) nitatamad akong pumasok sa school – sa katunayan hindi aku pumasok ng school ngayon >_<, nagsusurf lang ako sa net ng nakatuwaan kong bisitahin ang isang site mula sa aking mga bookmarks (bouncy_bubbles.net) ayos nman so far, nagbabasa ko ng mga posts niya, naniningin ng mga kawaii stuffs… nang bigla akong napadpad sa mga made-themes na nagawa niya para dito sa WordPress. Ang cute kasi lahat! gusto kong itry!! LOL…. kaya aku naman ay dali-daling nag sign-up at nagtry ng mga ginawa niyang themes….ang kaso….nang heto na at susubukan ko na,bigla kong narealize i dunno  where to put it! *Ay gaga* Ayun pala, hindi ka basta-basta pwedeng magpalit ng themes! Ayun hindi ko rin nagamit… kaya heto ako… pinilit ko nalang magsulat ng blog entry dito kahit hindi ko nman alam ang mga sasabihin ko. (i told you im uber boring..)

Kaya sa aking first post (na walang kwenta), hayaan niyong sabihin ko na pipilitin ko talagang mag update dito sa blog ko kahit papano..tutal muka nmang nagugustuhan ko na dito! hehehehe… at ayos lang saken kahit walang magbasa nito kasi hindi nman talaga iyon ang purpose ko dito at the first place eh… papanindigan ko nlang ito tutal muka rin nmang masaya ang magkaroon ng personal blog account kung saan pwede kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin, pwede kong ikwento istorya ng life ko sa araw-araw, kung saan pwede akong magpost ng picture at videos ko at lahat ng mga gusto kong ipost….boring man o interesante, lahat ibibigay ko dito at hanggang comment nalang kayo! *bwahahaha*  JK!

Lets see if this is just a passing fancy! ♥

Leave a Reply