Magdadalawang linggo na kami hindi nagkikita ni Tom, naguusap naman kame (text) pero hindi tulad dati. To all the readers na hindi kame kilala, si Tom po ay ang aking pinakamamahal na boyfriend, mahigit ANIM na taon na kami nagsasama, anim na taon na ko “in a relationship” at anim na taon narin kame nagtitiis sa isa’t isa… JOKE!
First BF ko siya at first GF niya rin ako. Hindi ko alam kung advantage ba yun or what pero isa lang masasabi ko….masaya! *ahahaha* Sa loob ng anim na taon na iyon, i can say nman na mahal niya ko – at hindi ko yun maipagkakaila dahil ramdam ko nman talaga yun…its just that minsan, there are times na hindi talaga kme nagkakaintindihan at nagkakasundo…though i know na ksama yun sa paglaki…pero syempre nasasaktan pa rin ko. I know may mga times na aku talaga ang mali pero inaamin ko nman yun pero pag alam kong aku yung nasa tama – syempre kailangangan ko pa rin depensahan ang sarili ko (sabi nga niya – mataas lang daw talaga ang pride ko), pero minsan kasi na mi-missunderstood niya lang ako. Samin kasing dalwa, siya ang tipong mabait at ako ang tipong medyo may pagkapasaway (pero hindi nman all the time) kaya minsan hindi nmen maiwasang hindi mag away ng dahil don, dahil tumanim na ata sa isip niya na aku lagi ang masama.
At yun nga ang nangyari last week. Nag ayaw kami. It was a very hussleduck night dahil parang yun na ata ang pinaka-major fight naming dalawa. As in grabe! I was so frustrated that time (it was one of those days were everything was going wrong, school pressure, hot weather) tapos sasabay pa siya! Actually, calm pa nga aku nun eh, sa totoo nga nun aku pa humihingi ng pasensiya sa kanya. Siya lang nman yung talak ng talak nun, tapos aku yung sinabihan niyang “magpalamig ng ulo” kaya dun ako talaga nanggigil at nagalit, hindi ko na talaga mapigilan..nakipag sabayan nako sa kanya..tapos ng dinidepensa ko na yung sarili ko – sasabihan ba nman ako ng ma-pride?! WTH?! Ugh! iyak talaga ko nun ng iyak…hindi niya alam…pero talagang galit na galit ako sa kaniya nun! Damn him! lol. Ang totoo kasing pinag ugatan ng lahat ay dahil sa “selos” ..damn! anu pa ba ang gusto nya?! ibinigay ko na sa kanya ang lahat! *huhuhu* Tapos ako pa yung pinalabas niyang mali (kesa aku pa daw yung maykasalan dahil hindi ko siya inayang sunduin niya ko – HELLO! do i have to tell you that?!) *huhuhu*
Tapos ngayon na gusto ko muna “mag-isa” , dun siya magpaparamdam at sasabihan niya kong namimiss niya nako…grabe! torture na to! coz hindi lang physically kami naglalaban, pati puso at utak ko nagtatalo rin! *sigh* coz syempre mahal ko siya..at masakit din saken yung mga nangyayari samen ngayon. Oh great! now, I dunno what to do! HELP!!!



